Super Mom

 

Mary Mae B. Vega, Teacher

Ako si Mary Mae, mas kilala as “Mae”. Lumaki sa isang pamilya na puno ng pagmamahal at aruga. Pito kaming magkakapatid. Nagaral ako sa public school. Naging Varsity for 6 years. Softball Player ako. Maraming humahanga sa akin dahil bukod sa varsity ako nasa section 1 ako. At napakahirap magmaintain ng average para lang di ka mawala sa section 1. Di man ako achiever pero atleast hndi ako mahina sa acads. Most of the people known me as matapang, jolly, maganda at hindi mayabang. All of these characteristics are very undeniable dahil highest achievement ko ay National Games. Niyakap ko tong mga katangian na to. Para ma-overcome ko lahat ng mga weaknesses ko. Until naging teacher ako at nadala ko pa rin yung ganung character. Most of my students listen to me when teaching Math kasi nga pag hindi ka nakinig magiging bida ka sa klase. 

I find it very powerful and disciplining. Two years ako nagturo ng highschool, then after that nagturo na ko sa college. Maraming nanliligaw pero dedma lang ako kasi masyadong mataas ang standards ko sa lalake. At that moment I’m in a 6-year relationship with my bestfriend. So, bago talaga ako pumasok sa relasyon kinilala ko muna yung tao. Two years kami na mag bestfriend and then niligawan nya ako. Sinagot ko sya. Six years kami naging mag boyfriend. Then nagpakasal kami, I think walang rason para hindi ko sya pakasalan. Tutal nman 25 na kami that time. So, we got married and sobrang saya. 

Akala ko laging ganun lang. Until magka-anak kami ng two handsome boys. Yung panganay namin, at his 7th month got hospitalized dahil sa sobrang cute nya may pumisil sa mukha nya at kinabukasan sobrang namaga at nilagnat sya. We rushed him to hospital then he got assessed and tested, he was then diagnosed with HEMOPHILIA A-severe. Doon ko naramdaman na parang gusto kong i-rewind lahat ng pangyayari sa buhay ko from very famous and popular biglang weak ako pagdating sa anak. Hemophilia is a bleeding disorder. My kuya died when he was 13 due to excessive bleeding, he is also hemophiliac. I was then realized how painful, crucial and paranoia this kind of situation was. 

Being a mom, I want only the best for my son. I started questioning God from that moment. Bakit anak ko pa? Ang daming bata sa kalsada na pinabayaan ng magulang. Bakit anak ko pa? Bakit kami pa? Hanggang sa sinabi ng asawa ko hindi Niya ibibigay saten kung hindi natin kaya. Tutulungan Niya tayo. Hindi ko magets yun. Then after a week, I found out buntis ako. 

Sabi ko sana babae na. Kasi pag lalake, possibleng may hemophilia din. So, I prayed to God, sana po pagbigyan nyo naman ako sana po babae na. I waited for 6 months para malaman sa ultrasound and dumating yung araw na pinaka aantay ko. Nagpa-ultrasound ako at ayun nga it’s a boy. I ask to do it again kasi ayoko talaga ng result. Umuwi akong hindi masaya. Pero again, sabi ng asawa ko binigay yan kasi kaya namin. 

After 3 months nanganak ako at meron siyang infection sa dugo. One week bago pa kami nakauwi. Sunod-sunod na lahat ng mga pangyayari. Masaya, malungkot, nakakatakot, at nakakakaba. Pag walang sakit mga anak ko masaya kami. Pag may sakit nakakatakot at nakakalungkot. Napapagod na rin ako pabalik balik sa ospital.

Then nagka-Dengue yung bunso at mabilis bumabagsak platelet nya. Chineck din sya for hemophilia and the result is, he also has hemophilia. Sobrang bigat. There are times sabay pa sila na maoospital. As in, zero balance na mga wallet nmin. Buti na lang may mga taong nagbigay at tumulong sa amin. Pero hindi nawala ung tanong ko kay Lord na bakit kami? Bakit ako? Bakit mga anak ko pa? Bakit hindi na lang mga masasamang tao? Ang bigat ang at ang hirap.

Isang araw nagdesisyon kami na gawin lahat ng makakapagpasaya sa amin bilang pamilya. Lumabas at mamasyal. Bilhin mga gusto nila. We think na in this kind of activities malelessen ‘yung burden na dinadala namin. At mae-experience din nila ang labas. Kasi lagi sila nakakulong sa bahay na puno ng foam dahil bawal mauntog, bawal masugat, bawal madapa. Ang hirap talaga

So, umabot ng 3 years ganun ang mga routines namin. Nang isang araw bigla nalang nagsuka ng nagsuka yung bunso ko. Dinala namin sa ospital sinaksakan nila antibiotics at naka dextrose din. Lahat ng kakainin niya sinusuka niya. Pero nakakausap ko pa siya. Sabi ko “Achu, pagaling ka na para makapasyal na ulit tayo.” Tumawa lang sya. Sabi ko “tara, takas tayo.” Mas lumakas tawa niya. So, I totally think makakalabas at magiging ok siya. 

Kinabukasan, kumain naman sya pero sumuka ulit. Third day, umaga kumain pero hindi na sumuka. After ko kumain, nag-seizure sya habang karga ko sya. Hindi ko alam ang gagawin. Nakatingin siya sa akin pero nag cross-eyed. Tapos nag-twitch na mga legs niya at na-ihi rin. Umiyak ako ng umiyak. Nung nasaksakan siya ng pampakalma, nakatulog na siya. After 5 minutes, nagising siya pero nagwawala tapos hindi na nya ako kilala. Sabi ko “Achu, mama to. Achu, si mama to.” Napakasakit! Sinaksakan siya ulit ng gamot at nung nakatulog, nag-CT scan sila. Lumabas sa CT scan na may brain bleed siya at sobrang kalat na ng dugo sa loob ng ulo nya. Hanggang sa hindi na siya nagising, coma na sya. 

I’m praying to God that time na huwag kukunin anak ko. Hindi ko tlga kakayanin pag nawala sya. Sinabihan kami ng mga Doctor na ikalma ko sarili ko, kausapin na raw namin sya kasi naririnig niya pa kami. Tinawagan ko mga tito, tita, lolo, lola nya at pati kuya nya. Sabi ng kuya nya “Achu, pagaling ka na inaatay kita maglalaro pa tayo.” Habang lahat sila nag iiyakan sa phone. Kinausap ko si Achu sabi ko “Achu, mahal na mahal ka ni Mama. Kung pagod ka na sa mga sa tusok, sa mga gamot, OK lang. Hindi ako galit. Kung sasama ka kay God, OK lang. Maganda ba diyan? Masaya ka ba diyan? Sige, hindi magagalit si Mama. Huwag mo kakalimutan si Mama. Babantayan mo sila Mama, Papa, at Kuya ah? Love ka namin. Ba bye love you… Toooooot (sinasabi nila sakin ng Kuya niya pag mamamtay na CP kaya uunahan nila ung tunog)… ” Tumulo luha nya at biglang nagflat na ung line.


June 20,2018. Time of death: 3:00 PM. Bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay nito yung paghagulgol ko. Iniisip ko sana hindi ko sila pinabayaan. Sana hindi ako nagtrabaho para kasama ko sila lagi. Sana ako nalang kinuha. Araw-araw napapagod akong isipin kung nasaan na siya. Sinisisi ko si God sa lahat. Sabi ko, bakit niya ako pinapahirapan? Bakit laging ako? Buwan buwan, minsan linggo linggo pa kung magkasakit ang mga anak ko. 

Isang lingo after malibing ng anak ko, umihi ng dugo ung panganay ko. Gusto ko na talaga sumuko. Napapagod na ko. Umabot sa point na gusto ko na magpakamatay. Dun ko narealize na baka hindi ko makita si Achu, na baka demonyo ang makita ko kaya hindi ko tinuloy. 

Ang ginawa ko ay pumunta ako sa National Shrine and Parish of the Divine Mercy. Nagsimba ako at humingi ako ng tawad sa Diyos sa mga nasabi at nagawa ko. Alam kong kailangang kailangan ko Siya at ng anak ko. Alam kong kasama na Niya si Achu at alam kong mas OK si Achu dun. Nangumpisal ako sa Pari, nag sosorry ako sa ginawa kong pagsisi kay Lord at sa mga kakulangan ko sa anak ko.

Sabi ni Father “Huwag kang mag alala, pinapatawad ka na nya. Nagsisimba ba kayo bago mamatay anak mo?” Sagot ko “Sorry Father, pero madalang po.” Sagot ni Father “Ayan, kinalabit ka niya hindi lang isang beses. Kailangan natin lumapit sa kanya hindi lang sa mga Doctor.” Doon ko narealize na oo nga hindi kami lumalapit kay God. Sobrang daming time na dapat lumapit ako sa Kanya pero hindi ko ginawa mas naniwala ako sa mga Doctors.


Four years na sa June 20 si Achu sa heaven. Four years na rin kami ginagabayan at hindi pinapabayan ni God. Si Kuya Akhim (panganay ko), healthy at smart siya. May mga times na nagkakasakit pero hindi grabe. Ipinagpapasa Diyos naming lahat. Yung mga gamot ng hemophilia, libre dahil sa organization. Sobrang sagana ng buhay nmin ngayon. May trabaho kami pareho ng asawa ko, may maliit na negosyo rin kami, may sasakyan at may sariling bahay. 

Itong mga bagay na to ay wala kung hindi dahil kay God. Pinagpapasalamat ko yung buhay namin araw araw. Ang anak ko laging nagdadasal para sa buhay at kaligtasan nya. Huwag tayong makakalimot sa Panginoon dahil lahat ng bagay sa mundong ito ay pansamantala lang. Huwag natin hahayaang lamunin tayo ng kalungkutan at poot. Ibigay natin lahat sa Kanya. Sa huli, sa Kanya rin tayo hihimlay. Amen.

Published: April 14, 2022

Let your story shine; that will be the light of one’s darkness. As you know, God has His blessed ways of reflecting your light to you.